About our choir

Philippines

21 Members

Info

Time and place for our rehearsals
TimePlace

Saturdays

07:30 PM - 09:30 PM

MOTHER TERESA ACADEMY OF MARILAO, BULACAN INC.
Ang Himig Bulakenyo ay itinatag noong buwan ng Hulyo, taong 2016. Binubuo ito ng mga kasapi mula sa iba’t ibang bayan ng Bulacan gaya ng Marilao, Meycauayan, Bocaue, Santa Maria, Obando, at iba pang karatig-bayan at lungsod. Ang grupo ay binubuo ng mga mag-aaral  at propesyonal na pinag-isa ng kanilang hilig at kakayahan sa sining ng pagkanta sa koro. Ang kanilang mga awitin ay sumasaklaw mula sa mga Orihinal na Pilipinong Musika (OPM), mga klasikong likha, hanggang sa mga awiting makabayan na pumukaw sa damdamin ng bawat tagapakinig.     Mula nang ito’y mabuo, ang Himig Bulakenyo ay naging panauhin sa iba’t ibang natatanging okasyon sa mga bayan ng Marilao, Meycauayan, Santa Maria, at Malolos, maging sa labas ng lalawigan ng Bulacan. Noong taong 2018, ang grupo ay naging grand finalist sa Musika Maria: Gabi ng Awit at Parangal Choir Competition. Kinatawan din nila ang bayan ng Marilao sa Angeles City Choral Festival mula 2017 hanggang 2019, kung saan ipinamalas nila ang husay ng musikang Bulakenyo.    Noong Hulyo 2023, nagkamit ang grupo ng Silver Diploma sa 1st Sing Tarlac, Sing Choir Festival & Competition. Nitong nakaraang Nobyembre 25, 2023, sila ay nagwagi ng ikalawang pwesto sa Cluster 4 ng TV5’s Tinig ng Pasko Choral Competition at naging grand finalist noong Disyembre 16, 2023.    Patuloy na nagsasanay at nagsusumikap ang Himig Bulakenyo upang higit pang ipinalaganap ang sining ng musikang pangkoro sa lalawigan ng Bulacan at sa buong bansa. Sa kanilang dedikasyon at pagkakaisa, layon nilang maibahagi ang kagandahan ng musika sa mas malawak na madla, at makipagsabayan sa mga patimpalak maging sa antas internasyonal.